Mar 6, 2013

EK: Dress hunting is finally over

I already have a dress for Saturday! :)

After lunch, I planned to go to Megamall to shop for Angela's and Baby Aerin's shoes. Pagdaan ng FX sa may St. Francis Square, bumaba yung katabi ko. Eh yesterday, nabanggit ni seatmate ko na try ko raw tumingin ng dress sa St. Francis Square. Marami raw tiangge dun. Bumaba na rin ako. So, alam nyo na ang kwento. Hehe. Nakabili ako ng dress dun. Dalawa pa. Lol! Nakakatuwa pala dun. As in ang dami daming damit. Tiangge kung tiangge pala. And imagine, I only have 900 pesos nung umalis ako ng office kasi nga shoes lang nung mga bagets ang plano kong bilhin, maghahanap lang sana ako ng sale sa SM. Dalawang dress ang nabili ko sa dala kong pera. Winner, di ba? Sa sobrang excited kong bumili, hindi ko man lang naisip na picturan yung damit para sana na-ishare ko dito (that's one thing I have to improve talaga, lagi kong nakakalimutan kumuha ng mga pictures). Anyways, for sure sa sabado may picture ako. Yun, isshare ko talaga. :) Promise. Babalik ako dun bukas, bibili pa ako ng shoes for me. Tapos I need to buy pa shoes para sa mga bagets.

No comments:

Post a Comment

I would like to hear your thoughts, drop a line or two! :)