I've been meaning to organize my blog so my readers will have a reason to keep coming back. Organize as in I need na din to categorize my thoughts para mas madali rin sakin idaldal ang lahat ng nasa isip ko. And bigla na lang nag pop up sa aking brilliant mind this EK thing while I was on my way to office this morning. Eh pano naman kasi, si Manong driver ng FX ang salarin nito. :) (last ride ko when coming to office is yung mga FX na byaheng Pasig sa may Megamall)
I seated myself beside the Manong since the FX was still empty when I hailed it. Pagpasok ko pa lang sa FX, si Manong bibo-driver eh tinanong agad ako kung saan daw ako bababa. Gusto ko sanang sagutin na marunong naman akong magbasa ng signage nya kaya wag syang mag alala kasi hindi ako bababa sa Pasay. Hehe. But being the polite me, I answered him with a smile, "sa may Ultra po Manong". Akala ko OK na. So while waiting for more passengers, I texted someone tapos bigla akong napatingin kay Manong, sukat ba namang magtinga sya. Ok lang naman sana, ang kaso, nagtinga sya gamit ang buong kamay nya. Hehe. As in pinapasok nya yung buong kamay nya habang nakanganga sya ng todo. Ang awkward, di ba? At hindi lang yan, nung hindi umubra yung kanang kamay, kaliwa naman. At since hindi pa rin umubra, kanan, kaliwa, kanan, kaliwa lang ang drama. Waaahhhh!! Kumusta naman yung Manong??!!! Next time, magdadala na ako ng toothpick sa bag. Lol!
No comments:
Post a Comment
I would like to hear your thoughts, drop a line or two! :)