Apr 2, 2013

Rewind: King Bee

After Angela's Moving Up Day, we planned to celebrate at King Bee Chinese Food along Daang Hari para maiba naman. Saka naghanda na kami sa bahay nung saberday kaya lunch out naman ang peg. My hubby prefers lutong bahay dishes and whenever we go out, he chooses Pinoy foods talaga. He seldom experiments with foods. Yung mga kilala nya lang na pagkain ang talagang kinakain nya. Kaya bihira ko 'yan mapapayag kumain sa ibang resto. Ok, enaf intro.



When the waiter brought us the menu folder, I went directly to their dimsum. Panalo ang dimsum ng King Bee mga mare. I ordered Siomai and Shark's Fin Dumpling. I wanted pa sana to get chicken feet but I heard my hubby ordered Peking Duck, Hototay Soup, Bihon Guisado, Sweet and Sour Lapu-Lapu and Yang Chow Fried Rice. OMAYGAWD! Andami! Samantalang 3 lang naman kaming adult na kakain plus Angela and Baby Rain.

Hototay Soup
The super masarap na Lapu-Lapu in Sweet and Sour sauce,

Sweet and sour Lapu-lapu

Kunwari pa akong madaming inorder si hubby pero sa totoong buhay, naubos namin 'yang fish.

Here's the Bihon Guisado na hindi na namin halos nagalaw dahil sa sobrang busog,

We took this home. Solb ang meryenda namin! :)
My Pork Siomai and Shark's Fin Dumpling,

Eto pa lang, ulam na!

And ang bida ng aming tanghalian, ang Peking Duck,

Peking Duck wrapped in I dunno, 'sensya, inosente lang. Lol!
Basta, it has a sweet sauce inside. These bite size thingy are so
yummy and delicious.

The bone-y part of the Peking Duck was cooked in salt and pepper.
This dish is so irresistible. See the plate behind the Peking Duck? That's
the Yang Chow Fried Rice. Hehe. I forgot to take its picture.
After I took all the photos. ATTTAAACCCKKK!!! :)

First time kong magpicture picture ng mga foods mga mare, feeling ko kasi nung una dyahe. Pero nung sinabi ko na kay hubby na nag bblog ako, aba'y sya pa ang nag remind sakin to take pictures na daw para mai-blog ko. Supportive lang ang peg. 'Yun naman pala, wala naman pala akong magiging problema. ;)

Me: Bhe, gusto ko na sanang kareerin 'yung pagbblog para masabi ko naman sa families and friends natin if they have time and if they want to know the latest about us, eh, i-visit lang nila 'yung blog ko.
Bhe: Maganda 'yan, Bhe. Wala naman problema sakin 'yan. 
Me: Ibili mo na ako ng DSLR para maganda na mga pictures na ipopost ko.
Bhe: (napaisip ata, hindi na sumagot)

Nyahehehehe!

Muntik ko ng makalimutan, eto pala 'yung pictures namin sa resto,

Angela's showing her Mommy La what she wants to eat

Ansabe ng sabog kong hair?! Bow!

Cutie pie! :)

1...2...3...4...5....dami namang food!



No comments:

Post a Comment

I would like to hear your thoughts, drop a line or two! :)