Tita: Bi, si Angela nagpapasaway na naman dito. (She says it loud enough for Angela to hear.)
Angela: (Stealing the phone from my Tita.)
Angela: (In a nag-iinarte voice) Eh kasi naman Mommy, hindi kasi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.
Me: Speechless sa drama ng aking anak...
Angela: Mommy, kelan mo ako susunduin dito?
Me: 'di ba sa 27 pa ako darating dyan. Akala ko ba gusto mo dyan magbakasyon?
Angela: Eh bakit kasi Mommy wala kayo dito?
Me: 'di ba nga may work kasi si Mommy saka si Daddy. Saka kasama mo naman dyan si Mommy Lola saka si Mommy Nay 'di ba?
Angela: Eh wala naman akong Daddy dito. Puro na lang Mommy.
Me: Oo nga naman....
Tita: Abi, pinalo ko kanina si Angela kasi ang tigas ng ulo. (Madahan sa kamay)
Me: Ano pong ginawa?
Tita: Humarap sakin tapos kunwari umiiyak.
Me: Ahh, nag woworkshop na naman yun, Auntie.
Tita: Malamang nga, kasi ang sabi na naman sakin, "hindi nyo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko."
Angela: (Butting in)
Angela: Lagi na lang kasi akong mali, lagi na lang akong pinapagalitan, nasasaktan na ako!
Me: Amp....
*Hindi po namin minamaltrato o sinasaktan ang bata, nagkataon lamang po na sadyang mahilig mag emote ang anak ko. At kelangan ko na talagang i-ban ang mga teleserye sa bahay. Pero teka, kelangan ko na rin ata syang i-audition para maging artista, mukhang may future. =)
No comments:
Post a Comment
I would like to hear your thoughts, drop a line or two! :)