Jan 30, 2013

To My Angela, From your Praning Mom.


Natural ata talaga sa mga nanay ang maging OA sa kapraningan. I am an avid reader of Mommy Fleur and so I can always relate sa mga kapraningan moments nya. I have my own long list of how I get OA protecting my kids. Hehe.

Last year, hindi maubos ubos yung balita sa TV tungkol sa mga batang nakikidnap. To make it worse, sa loob pa mismo ng mga hospitals kung saan dapat eh secure tayo, dun pa may mga nangyayaring nakawan ng bata. Or even sa mall na dapat happy place yun for kids. Pati na rin sa tapat mismo ng bahay mo, hindi mo na mararamdaman na safe ang mga anak mo. So I want to write this letter to my Angela.


Dear Anak,

Wag mong kakalimutan yung bilin ni Mommy sayo sa tuwing nasa labas ka. Di ba naikwento na sayo ni Mommy yung tungkol dun sa mga bad guys? Wag mong kakalimutan na kagatin sila sa kamay at sumigaw ka ng malakas pag may bad guy na kumuha sayo. Tatakbo ka palayo sa kanila habang sumisigaw anak. Lagi mong tatandaan na kami lang nina Daddy, Mommy La, Papa Art, Tita Shaly at yaya mo ang madalas mong kasama sa labas, kaya wag kang sasama kahit kanino na magpapakilala na kilala ni Mommy at ni Daddy, ok? At sana wag kang magagalit o magtatampo kung minsan hindi kita pinapayagan pumunta ng park kasi natatakot lang si Mommy na baka andun yung mga bad guys. Ayaw ko kasing may masamang mangyari sayo kasi alam mo naman na love na love ka namin di ba? At anak, lagi mo rin babantayan si Baby Girl para hindi rin sya makuha nung mga bad guys. Love na love na love ko kayong dalawa, as in super super love.

Love,
(Ang praning mong) Mommy

No comments:

Post a Comment

I would like to hear your thoughts, drop a line or two! :)