Here's the birthday girl before the party starts.
Hangkyuttt! Di ba? =)
Syempre, hindi papayag ang ate ng walang solo picture. =)
Camera shy talaga kami ni R. =)
And the Mommy La. =)
Alam nyo bang DIY lahat ng decorations namin that day? Sabi ni R, magpagawa na lang daw kami ng tarpaulin. Kaso parang hindi ko na kasi bet yang tarp tarp na yan. Buti na lang maganda ang kinalabasan ng mga pinag gugugupit namin, kundi ang dami ko na naman maririnig kay R. Hehe.
Sa street namin, halos lahat ata ng bahay eh may mga bagets. Kaya I made sure na invited silang lahat. Para na rin makilala namin ang isa't isa. Eversince kasi we moved in, wala pa kaming nakakwentuhan na kapitbahay. Nagpapakiramdaman ata kaming lahat. Pero I'm super happy kasi lahat naman sila umattend ng party. =) I noticed lang, dun lang sila sa unang picture nakaupo. Haha. Mabibisyo talaga mga bata ngayon, gusto nilang karga mo sila at sinasayaw.
Clown: Ate, may ineexpect ka pa bang bisita?
Me: Wala na rin naman. Pwede na kayong mag start.
Clown: Sure ka 'te?
Me: Oo nga, bakit ba?
Clown: Pano naman kami mag gagames eh puro sanggol mga bisita natin?
Me: (checking the kids) Oo nga no? (pero hindi naman mga sanggol, hindi pa lang keri sumali sa mga games)
Pwede na 'yan. Kunin mong participants mga pinsan at katulong ko, tutal mukha namang mga 5-yrs old ang mga 'yan. Bwahahaha!
For your high resolution for any occasion design needs visit
ReplyDeletewww.silentnnocentone.wordpress.com