Daldal ng daldal si boy sa buong byahe namin. Malapit ko na ngang malaman ang kwento ng buhay nila eh. Hehe. Hindi ako nag eavesdrop mga mare, sadyang malakas ang boses nila. Si girlalu naman eh panay lang ang tango, kung sumagot man, puro one liner lang. Ayoko naman sanang isipin na ikinakahiya nya ang jowa nya, pasimple akong sumilip, aba ang bruha hindi magawang tingnan ang jowa nya. Baka naman mahiyain lang talaga sya, tingin nyo muthers?
Akala ko hanggang dun na lang ang mawiwitness ko, hindi pala. Akalain mo ba namang magpatugtog ng disco music (old school lang ako, hindi ko na alam kung anong genre yun, basta pang sayaw churva) sa bus. Yung mga music talaga na maririnig mong panimula usually ng mga banda para mabuhayan ng dugo ang mga nasa bar. Ok lang sakin yun. Pumikit pa nga ako para mas ma-feel ko yung music. Hindi pala ako nag-iisa. Walang kaabog-abog na sumayaw si boylet. Wait, there's more! Kumanta pa! Natigilan talaga ako, kasi mind you, he danced with grace mga bakla! With much grace and poise.
CONFIRMED!
WInner si Boylet whohooo... kung ako si gf, baka nagtago na ko sa ilalim ng upuan, o kaya gustuhin ko na lang siguro lamunin ng BUhay.. lol
ReplyDeletehttp://jocrisworld.blogspot.com/
Hahaha! Napailing na nga lang ako eh. Kelangan ng mag isip isip si girlalu. Lol!
Delete