I decided to take a break from blogging for a while kasi I don't find any blog-worthy stories in my everyday routine. Ang simple lang naman kasi ng pang araw araw ko. Wake up at 6:00am, go to work and then come home before the kids fall asleep. I know, right? Boring. =)
And then, the Mommy Fleur Day happened. This is my chance to come back and pursue my blog. Perfect timing, ika nga. =)
When I received the email from
Mommy Fleur, I felt really excited. No joke. As in I felt really honored. Bihirang bihira na rin kasi talaga akong makipag socialize. By choice yan mga mare. Baka naman kasi isipin nyo hindi ako pinapayagan ni mister. Hehe. Ewan ko ba, feeling ko graduate na ako sa mga gala gala na yan. I really prefer to stay home and spend my free time with my family. I had a very good single life naman, kaya ok lang naman sakin to stay home now. Hindi na ako lugi nyan. Less gastos pa. Right? So ayun nga, before sending my reply to Mommy Fleur that YES, I will definitely come to the party, nagpaalam pa rin naman ako kay R, pero for formality lang yun, kasi naka type na yung YES ko eh. Hahaha! Confident naman ako na papayag si R. At pumayag naman nga sya.
I woke up from a dream nung Saturday. Alam nyo ba kung ano yung dream ko? Sus, the Mommy Fleur Day mga mare. Ganun ako ka-excited! Hehe. The hubby has to go to work that day so sumabay na ako sa kanya para hindi ako mag commute. We decided to take lunch at Market Market kasi maaga kami dumating, at pag pinagsama mo ang dalawang impulsive shopper na tao, alam mo na kung anong mangyayari. Tulad ni Mommy Fleur, I palpitated seeing the shoe sale. Haha! Buy 1 Take 1 ang adidas mga mare. Si hubby agad agad na spot ang bet nyang shoes. Magpapatalo pa ba naman ako, gow buy din ang beauty ko.
|
Ang caption ni hubby sa FB: "The perfect match"
Yun naman pala =) |
Nakabili rin ako ng watch sa Skechers, like ko lang yung color nya at mura lang naman kaya hindi na ako nagpakipot pa. Mas lalong hindi nagpakipot si R sa pagpili ng kung ano anong shorts at damit kaya malamang nag palpitate rin ang lolo mo after. Haha. Muntik na namin makalimutan kumain sa dami ng gusto nyang tingnan. =)
After lunch, iniwan na nya akong mag ikot to buy clothes for the kids. Saka ko lang naisip itext si Krisna of
Life as a CEO kung anong oras sya pupunta sa main event ng araw. Ang lola mo, andun na pala. Haha. Winner lang talaga sa pagka fan ang lola mo. =) Hindi na rin ako nagtagal sa pag ikot para hindi ako ma-late sa kwentuhan.
On my way to the venue, I swear, nag ibang level ang palpitation ko. Excited na may halong hiya kasi baka hindi ako makasabay sa mga kwentuhan. Mahiyain ako in true life mga mare. Matagal ang adjustment period ko sa mga ganyang meet-ups. Lalo na sa big crowd. Jusko! Sa sobrang hiya, hindi talaga ako umalis sa upuan ko, kahit nakaplano ng maayos kung anu-ano ang kelangan kong picturan, para sana makapag blog rin ako ng bongga. Na-intimidate ako sa mga mommy bloggers na present. That's fully my fault mga mare. Everyone was so friendly at the event. Cool silang lahat. Walang halong eklavu ang mga tao. Ako lang talaga ang nag freeze sa upuan ko dahil sa palpitation churva ko. Effect ng shopping at excitement kaya siguro ganun. Nevertheless, I enjoyed the party. Natuwa ako ng sobra kay Fleur (maki-feeling close na rin ako muther, ha?), sobrang innate sa kanya ang pagpapatawa at kadaldalan. Hindi pilit. Normal na normal. No wonder marami ang nahumaling sa blog nya, kasi no pretenses. Definitely pure yung pagkatao nya. Hindi nya kelangan magpanggap. At dahil dyan, true na true ang mga ginawa ni Ms. Pineda na tokens for us, "I love Mommy Fleur" talaga. =)
I wanted so much to roam around and make chika to everyone, like Krisna na pwede mong mapagkamalan na host ng party so sobrang at home nya (peace, mare) kaso talagang nahiya ako. Next time, hindi na pwede 'to. Lahat ng mommy bloggers na andun eh mga iniis-stalk ko rin. Kaya na starstruck talaga ako sa kanilang lahat. Like
Maqui of Familia KIKI, gustong gusto ko yung pagkasimple nya mga mare. I love her to bits. Peg ko kasi yung garden nya. Same goes to
Sha of Kikay Mommy Sha, ang ganda rin ng humor ng lola mo. Bentang benta rin sya sa event. And the list goes on and on and on. I love all of them. =)
After the event, sabay sabay kami ng mga newfound friends ko (Hi James and Natalie! Feeling close lang ulit, hehe) to Market Market, dun na rin kasi ako ulit dadaanan ni R from work. Nakapag ikot pa ako ng konti kaya nakabili pa ako ng workbooks ni Angela and flash cards for Baby Rain and more toys to both of them. Partida yan, punong puno na ang kamay ko sa dami ng giveaways ni Mommy Fleur. Pero keribels lang kasi minsan minsan lang ako makapamili sa totoong mall. Hehe. Maliliit lang kasi mga malls na abot kamay ko dito sa Imus. =)
Wala akong picture. Sobrang sorry naman. But for sure, maraming pictures si Mommy Fleur na ipopost kasi bongga ang official photographer nya that day. Head on to her blog for fab photos. =)
Happy 4th,
Mommy Fleur! =)