To My Angela, From your Praning Mom.
Natural ata talaga sa mga nanay ang maging OA sa kapraningan. I am an avid reader of Mommy Fleur and so I can always relate sa mga kapraningan moments nya. I have my own long list of how I get OA protecting my kids. Hehe. Last year, hindi maubos ubos yung balita sa TV tungkol sa mga batang nakikidnap. To make it worse, sa loob pa mismo ng mga hospitals kung saan dapat eh secure tayo, dun pa may mga nangyayaring nakawan ng bata. Or even sa mall na dapat happy place yun for kids. Pati na rin sa tapat mismo ng bahay mo, hindi mo na mararamdaman na safe ang mga anak mo. So I want to write this letter to my Angela. Dear Anak, Wag mong kakalimutan yung bilin ni Mommy sayo sa tuwing nasa labas ka. Di ba naikwento na sayo ni Mommy yung tungkol dun sa mga bad guys? Wag mong kakalimutan na kagatin sila sa kamay at sumigaw ka ng malakas pag may bad guy na kumuha sayo. Tatakbo ka palayo sa kanila habang sumisigaw anak. Lagi mong tatandaan na kami lang nina Daddy, Mommy La, Papa Ar...