EK: 'Teh, ang jowa mo!
Habang pauwi ako kagabi sakay ng bus, magjowa ang nakatabi ko. In fer kay girl, she's pretty. Matangos ang ilong, morena at balingkinitan. Yez, pinagmasdan ko talaga sila. Haha. Ngunit may kakaiba akong na-feel kay boylet. Ehem! Alam na! =) Daldal ng daldal si boy sa buong byahe namin. Malapit ko na ngang malaman ang kwento ng buhay nila eh. Hehe. Hindi ako nag eavesdrop mga mare, sadyang malakas ang boses nila. Si girlalu naman eh panay lang ang tango, kung sumagot man, puro one liner lang. Ayoko naman sanang isipin na ikinakahiya nya ang jowa nya, pasimple akong sumilip, aba ang bruha hindi magawang tingnan ang jowa nya. Baka naman mahiyain lang talaga sya, tingin nyo muthers? Akala ko hanggang dun na lang ang mawiwitness ko, hindi pala. Akalain mo ba namang magpatugtog ng disco music (old school lang ako, hindi ko na alam kung anong genre yun, basta pang sayaw churva) sa bus. Yung mga music talaga na maririnig mong panimula usually ng mga banda para mabuhayan ng dugo ang ...