EK: McFloat Happiness
After 16 hours of long-and-winding road to and from Bicol, I am now at the comfort of my swivel chair here at the office. Nakiligo lang ako sa bahay namin sa Bicol tapos byahe na naman. Nakakapagod pala. Hindi na ako sanay mag-commute kaya hindi talaga ako nakatulog sa byahe. Si mamang driver kasi parang galit sa preno. Wagas kung makaapak ng preno. Lol! Anyway, masaya yung naging byahe namin ni Angela pabalik ng Maynila. Ang daming kwento ng anak ko. Pagsakay pa lang namin ng bus, kinuha nya yung phone ko at pina-dial yung number ni Daddy nya. Angela: Daddy, nakasakay na kami ng bus (malamang narinig ng lahat ng pasahero yung boses nya sa sobrang lakas) Daddy: Ah, ok (feeling ko lang na yan ang sinagot ng Daddy nya =) ) Angela: Sunduin mo kami sa Alabang, ha? Daddy: Anong oras? (assumption lo lang ulit, hehe) Angela to Me: Mommy, anong oras daw tayo susunduin ni Daddy? (sa pabulong na boses) Me: (nag iisip pa ako ng isasagot) Angela to Me: Saan yung maikli saka mahaba? (yun...